Motorsiklo Bilang Alternatibo?  

ANIAY pintok nga panghunahuna ni Danilo Arana Arao sa bulatlat.com kabahin sa walay pugong nga pagtaas sa presyo sa lana kalambigit sa nahiaguman nga krisis sa tanang Pilipinhon. Mapait man kini dawaton apan mao gayud kini ang kamatuoran sa atong panahon karon. Ania:

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Kung susuriin ang mga pahayag ng ilang opisyal ng gobyerno at mga kampanya ng langis, lalo pang tataas ang presyo ng mga ito sa mga susunod na linggo.

Hindi na natin kailangang maging dalubhasa sa ekonomiks para malamang may matinding epekto ang sitwasyong ito sa presyo ng mga produkto’t ser bisyo, kumusta naman ang umento sa sweldo? Hulaan kong sagot mo: “Huwag na nating pag-usapan ito!”

Hindi ka masisi kung sa ngayon ay iniisip mo kung ano ang kailangang gawin para magtipid. Kahit kaming mag-asawa, napagkasunduan na naming huwag nang masyadong gumamit ng sasakyan sa mga lakad naming. Sa kabila ng napipintong pagtaas ng pamasahe, hindi hamak na mas matipid pa rin ang sumasakay na lang sa pampublikong transportasyon kaysa gumamit ng sariling sasakyan.

Kung ganito mag-iisip sa kasalukuyan ang nakararaming pribadong motorista, baka medyo lumuwag na ang trapiko sa mga pangunahing lansangan. Sa kabilang banda, ang kasalukuyang sitwasyon ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo ay maaring magresulta sa pagdami ng mga motorsiklo na bukod sa mas mura ay may mas matipid sa gasoline.

Isipin mo na lang: Sa halagang P3,000 bilang downpayment, maari ka nang bumili ng bagong motorsiklo. Kumpara sa mga sasakyang may apat o higit pang gulong mas mura ang taunang rehistrasyon ng motorsiklo. Noong nakaraang tao, nagbayad lang ako ng P536.06 sa LTO (Land Transportation Office) at P370 sa insurance para sa aming motorsiklo. kasama sa ibinayad ko sa LTO ang change venue fee na P100.)

Para sa isang motorsiklong 125 cc o mas mababa pa, mas maraming kilometro ang itinakbo ng full tank kumpara sa isang sasakyang may mas malaking makina’t gumagamit ng iba’t ibang accessories tulad ng aircon at sterio sa pagbiyahe. At kung pag-uusapan ang maintenance, panalong-panalo rin ang motorsiklo dahil kakaunti lang ang kailangan ayusin, Kung kinakailangan man.

Pero alam mo ang mga aksidenteng may kaugnayan sa motorsiklo na halos araw-araw ay laman ng mga balita. Madaling sabihing ang mga walang pakundangan sa pagpatakbo lang ang naaksidente, pero sigurado akong may alam kang mga insidente ng maiingat sa pagmomotorsiklo na naaksidente rin. Iba rin kasi kapag dalawang gulong lang ang hawak mo at wala kang sapat na proteksiyon sa katawan mo bukod sa helmet.

Kung may mga kaskaserong nagmomotor, halimbawa, may mga kaskasero ding nagmamaneho ng kotse na kung saan ang kanilang aksidenteng pagbangga sa isang motorsiklo ay maaring magresulta na sa pagkamatay ng mga nakasakay sa huli.

Pag-isipan mong mabuti kung bibili ka’t gagamit ng motorsiklo, dahil maaring ito pa ang maging mitsa ng buhay mo kahit na responsible kang gumamit nito. Kailangan ding tandaang sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, nagiging magasto na rin ang pagpapakarga ng gasoline sa kahit na anong sasakyan pa ang hawak mo.

Ano ba ang kailangang gawin para magtipid sa panahong ito? Pwedeng maglakad na lang o gumamit ng pampublikong transportasyon. Sa konteksto ng pagkonsumo ng kuryente, maaring huwag nang masyadong gumamit ng telebisyon at iba pang kagamitan may malaking konsumo sa kuryente. Kung may sapat na pera, maaring bumili ng mga de-kuryenteng gamit na mas matipid sa konsumo.

Pero sana’y huwag lang pagtitipid and isipin mo sa panahong ito, May malaki kang papel na gagampanan sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago, basta’t huwag mo lang bilhin ang argumento ng iilang wala na tayong magagawa pa kundi maghigpit ng sinturon. (Chris Panganiban)


AddThis Social Bookmark Button

0 comments

Post a Comment